MarileNews

Libreng kasanayan sa 'shielded metal arc welding', sinimulan na.
Date posted: April 06, 2019
Post to feed:
  
 

Sumailalim na sa oryentasyon ang 25 trainees na siyang unang batch para sa libreng kasanayan sa Shielded Metal Arc Welding NCI at NCII na pangangasiwaan ng Mario F. Santiago Livelihood and Skills Training Center Ang libreng skills training ay ipagkakaloob sa tulong ng isinabatas na RA. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act na kung saan kabilang ang MFS Training Center sa benepisaryo. SĂ­naksihan din ni TESDA Provincial Director Grace Corazon Castillo ang oryentasyon. Tinatayang aabutin ng 536 na oras o 3 buwan ang pagsasanay na idadaos sa MFS Training Center sa Lambakin.