MarileNews

Comprehensive land use plan at development plan ng pamahalaang bayan, inumpisahan nang rebisahin.
Date posted: April 03, 2019
Post to feed:
  
 

SinimuIan na ng Pamahalaang Bayan ng Marilao ang pag-update sa CLUP at CDP ng pamahalaang bayan sa isinagawang Stakeholders Consultation-Validation Workshop na idinaos sa SB Session Hail. Dumalo sa pagtitipon ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang bayan, 16 na Punong Barangay, civil society group, at non-government association na siyang stakeholders ng programa. Katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Marilao sa pamamagitan ng Municipal Planning and Development Office ang ANNBERD Consulting na siyang naatasan para sa updating ng CLUP, Zoning, at Comprehensive Development Plan ng Marilao. Ang rebisyon ay inaasahan na makagagawa ng Comprehensive Land Use Plan para sa 9 na taon at Comprehensive Development Plan na kinapapalooban ng multi-sectoral programs, projects, and activities para sa 6 na taon.