MarileNews

Pagsisimula ng 100 benepisaryong kabataan para sa SPES program, tinalakay kasama ang DOLE.
Date posted: April 03, 2019
Post to feed:
  
 

SinimuIan sa isang oryentasyon ng Department of Labor and Employment at Public Employment Service Office ang pagbibìgay kaalaman at panuntunan para sa isangdaan na kabataan na benepisaryo ng ‘Special Program for the Employment of Students’ o SPES. Hinati sa 2 batch ang programa na kung saan ang unang batch ng kabataan ay maguumpisa sa Abril hanggang Mayo at ang ikalawang batch naman ay sa Hunyo hanggang Hulyo. Magtatrabaho ang napiling 82 na kabataan sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaang bayan habang ang 18 naman ay sa mga pribadong kompanya.