MarileNews

Iba't ibang aktibidad, isinagawa sa pagdiriwang ng Women's Month sa Marilao.
Date posted: April 03, 2019
Post to feed:
  
 

Kaugnay ng pagdiriwang ng Women’s Month noong Marso, nagdaos ang Konsehong Pambayan para sa Kababaihan sa Marilao ng Medical Mission na idinaos sa St. Michael Family Hospital. Mahigit sa 150 Marilenyo ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyong ipinagkaloob katulad ng eye examination at libreng reading eyeglasses.


Kasabay din nito ang isinagawang Breast and Cervical Awareness Forum and Screening na inorganisa ng Marilao Federation of Differently Abled Person katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office. Mahigit sa 100 kababaihang may kapansanan ang dumalo sa forum na kung saan itinuro ang tamang pangangalaga sa kalusugan at pantay-pantay na pag-unlad ng mga kababaihang may kapansanan.