MarileNews

Mga manufacturing industry sa Marilao, binigyan kaalaman sa Republic Act 11058.
Date posted: April 03, 2019
Post to feed:
  
 

Mahigit sa 50 manufacturing industry sa Marilao ang dumalo sa isinagawang ‘Orientation on RA.

11058 o An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violators’ ng pamahalaang bayan. Idinaos ito sa PDM Multipurpose Hall na dinaluhan nina Mayor Tito Santiago kasama ang Department of Labor and Employment Region 3. Layunin ng oryentasyon na mapaigting ang karapatan ng mga manggagawa at maprotektahan sila sa mga aksidente sa trabaho, lalo na sa mga abusadong employer, contractor o subcontractor na hindi sumusunod sa occupational safety and health standards na kung saan malaking multa ang ipapataw sa kanila.