MarileNews

Natatanging kababaihan sa Marilao, Kinilala
Date posted: March 26, 2019
Post to feed:
  
 

Iginawad ng Konsehong Pambayan para sa Kababaihan sa Marilao o Marilao KPK katuwang ang Pamahalaang Bayan kay Rosario Austria Bejar ang parangal bilang Natatanging Babaeng Mangangalakal 2019 na isinagawa sa Municipal Atrium. Kaugnay nito, binigyan pagkilala din si Bejar ng pamahalaang lalawigan bilang isa sa Matagumpay na Babaeng Mangangalakal kaalinsabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso.