MarileNews

400 na mag-aaral mula sa Pampublikong Paaralan, tumanggap ng Hygiene at First Aid kit.
Date posted: March 19, 2019
Post to feed:
  
 

Tinanggap ng 400 na mag-aaral ng Patulo Elementary School at Heritage Elementary School ang first aid kit at hygiene kit na naglalaman ng toothpaste, sepilyo, mini towel, sabon, hand sanitizer, nail cutter, atbp. na ipinamahagi ng Batang Marilenyo Coordinating Center. Layunin nito na maturuan ang mga kabataan ng kahalagahan ng kalinisan ng katawan at mapalakas ang kanilang resistensya laban sa mga sakit gayundin na maging handa sa di-inaasahang sakuna.