MarileNews

Iba't ibang Assistive Devices, ipinamahagi sa mga PWD.
Date posted: March 19, 2019
Post to feed:
  
 

Nagsagawa ng pamamahagi ng assistive devices at prosthetics fitting ang pamahalaang bayan sa halos 100 PWD’s at senior citizen na may kahilingan kay Mayor Tito Santiago. Halos 100 wheelchairs ang naipamahagi sa mga benepisaryo habang nagsagawa naman ng fitting ang mga benepisaryo ng prosthetics na isinagawa sa Municipal Atrium. Kabilang sa prosthetics na ipagkakaloob ang prosthetic arm, legs, at brace. Katuwang ng Pamahalaang bayan sa prosthetics fitting ang PBF Prosthetics and Fitting Center sa pakikipag-ugnayan ng pamunuan ng Marilao Federation of Differently Abled Person o MaFDAP.