MarileNews

Pamahalaang Bayan ng Marilao at PLDT, lumagda sa isang kasunduan.
Date posted: March 12, 2019
Post to feed:
  
 

Lumagda sa isang memorandum of agreement sina Mayor Tito Santiago at PLDT Enterprise Assistant Vice President for Luzon Benedicto Perez para mapalawak ang ‘connectivity infrastructure’ sa Marilao. Layon ng PLDT Enterprise, na isa sa nangungunang ICT at digital services provider sa bansa na makapagbigay ng expansive connectivity infrastructure sa pamahalaang bayan ng Marilao upang makahikayat ng mga investor at mapalakas ang lokal na turismo sa bayan. Isinagawa ang MOA signing sa Conference Room ng Mayor’s Office.