MarileNews

Kampanya para sa Fire Prevention Month, inilunsad ng Marilao BFP.
Date posted: March 12, 2019
Post to feed:
  
 

Sa pangunguna ni Marilao Fire Marshall Jacky Ngina ay sinimulan na ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso 1 hanggang 31, hudyat sa ibayong pag-iingat sa sunog. Sinimulan ang pagdiriwang ng isang motorcade na lumibot sa buong bayan katuwang ang Marilao MDRRMO, Marilao BJMP, at Marilao PNP. Maglulunsad din ang Marilao BFP ng iba’t ibang programa tulad ng fire drill training sa mga barangay at pribadong establisyimento.