MarileNews

Mga kandidato para sa Local Elections ngayong 2019, lumagda sa Peace Covenant.
Date posted: March 04, 2019
Post to feed:
  
 

Lumagda sa ‘peace covenant’ ang lahat ng lokal na kandidato sa Marilao upang tiyaking magiging mapayapa ang nalalapit na halalan sa bayan. Pinangunahan ng Marilao COMELEC, Marilao PNP, DILG, Marilao BJMP, Marilao DepEd, at Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang isinagawang peace covenant na idinaos sa St. Michael the Archangel Parish Church. Dumalo sa ‘Unity Walk and Peace Covenant Signing’ ang mga lokal na kandidato mula sa Team ‘RS’ at Team ‘Jem Sy.’ Ang peace covenant ay pinasimulan ng Marilao PNP para matiyak ang pagkakaroon ng mapayapa, maayos at patas sa pagdaraos ng 2019 elections.