MarileNews

Kasanayan sa Meat Processing, itinuro sa mga kababaihan mula Patubig.
Date posted: February 18, 2019
Post to feed:
  
 

Nabigyan ng kaalaman sa pangkabuhayan ang 30 miyembrong kababaihan ng Rural Improvement Club mula Patubig sa ‘meat processing training’ na ginanap sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office. Ang ‘training on meat processing’ ay naglalayong makapagbigay sa mga kababaihan ng pagkakataong makapagsanay ng libre kaugnay sa mga bago nitong teknolohiya sa pagproseso, produksyon, at pagkakakitaan.