MarileNews

Oplan Greyhound, ikinasa sa Marilao Municipal Jail.
Date posted: February 06, 2019
Post to feed:
  
 

Malinis sa mga kontrabando tulad ng iligal na droga, patalim at baril ang Marilao Municipal Jail sa ikinasang Oplan Greyhound ng Bureau of Jail Management and Penology at Philippine Drug Enforcement Agency. Sa ulat ng pamunuan ng Marilao BJMP, target ng mga awtoridad na makakumpiska ng mga iligal na droga, improvised na patalim at maging baril gayundin na makapagsagawa ng random drug test sa 45 na inmates. Ang aktibidad ay base sa ipinatutupad na ‘Oplan Linis Piitan’ campaign ng BJMP upang matiyak na ligtas sa anumang iligal at mapanganib na mga kontrabando at mapagkalooban ng sertipiko bilang drug free jail sa bansa.