MarileNews

MFS Training Center at TESDA, magsisimula nang magsagawa ng libreng Skills Training
Date posted: January 31, 2019
Post to feed:
  
 

Binuksan na ng Mario F. Santiago Livelihood and Skills Training Center ang aplikasyon para sa pagsasanay ng Shielded Metal Arc Welding NC 1 and 2. Halos 30 aplikante ang nagsadya sa tanggapan at sumailalim sa ‘interview upang alamin ano kanilang kahandaan upang maqsimula sa libreng pagsasanay. Umabot naman sa 18 benepisaryo ang nakapasa sa programa na nakatakdang magsimula ngayong taon. Ang libreng pagsasanay ay ipagkakaloob sa tulong ng ‘Universal Access to Quality Tertiary Education Act’ na isinabatas noong Agosto 2017.