MarileNews

May-ari ng lupa sa Abangan Norte at DepEd Bulacan, nakipagkasundo sa Pamahalaang Bayan para sa Bypass Road Project
Date posted: January 31, 2019
Post to feed:
  
 

Ang kasunduan o Memorandum of Agreement ay nilagdaan nina Elvira Ting mula NorthWin Properties. Mayor Tito Santiago ng Pamahalaang Bayan ng Marilao, at Dr. Zenia Mostoles mula DepEd Bulacan. Isinagawa ang pirmahan sa Abangan Norte Elementary School. Kaugnay sa kasunduan ang nakatakdang pagtatayo ng ‘public spine road na sisimulan sa Maria Socorro Subdivision sa Abangan Norte na magdudugtong sa M. Villarica Road at North Luzon Expressway. Karagdagan dito. kasama din sa kasunduan ang relokasyon at pagtatayo ng bagong ‘school site ng Abangan Norte Elementary School sa kadahilanang isa ito sa tatamaang lugar ng konstruksyon ng ‘road project.’