MarileNews

World AIDS day, ginunita sa Marilao.
Date posted: December 18, 2018
Post to feed:
  
 

Aktibong nakiisa dito ang pamahalaang bayan kasama ang mga Barangay Health Workers, PAG-ASA Youth Association, at mga mag-aaral mula Marilao Trade School at Prenza National High School na isinagawa sa Municipal Atrium. Layunin nito na palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa ganitong sakit dahil ang HIV ay isa sa maituturing na ‘fastest growing cases’ sa buong mundo. Kabilang sa kaalaman na ito ay ang paglaban sa stigma na ikinakabit sa mga taong may HIV. Kaugnay nito, nagsagawa din ng ‘motorcade activity’ sa buong bayan ang Municipal Health Office kasabay ng inilunsad nilang Marilao Primary HIV Care Clinic.