MarileNews

Makukulay na disenyo ng punong pampasko, ibinida sa 'Christmas Tree Making Contest'.
Date posted: December 18, 2018
Post to feed:
  
 

Nilahukan ng 14 na barangay sa Marilao ang patimpalak na inorganisa ng Marilao Tourism Council, lba’t ibang resiklong materyales na nagpatingkad sa disenyo ng makukulay na Christmas tree ang naging tampok sa programa na ikinasiya nina Mayor Tito Santiago, Unang Ginang Lumen Santiago, at ng iba pang sumaksi sa kompetisyon. Nasungkit ng barangay Nagbalon ang unang pwesto, habang nakuha naman ng Sta Rosa I ang ikalawang pwesto at ang ikatlong pwesto sa Ibayo. Kasabay ng programa ang pagtatanghal ng Marilao Community Youth Band.