MarileNews

Mahigit 500 batang mag-aaral, pinasaya sa MANO PO, TITO KO christmas giving.
Date posted: July 05, 2019
Post to feed:
  
 

Sa pangangasiwa ng Batang Marilenyo Coordinating Center, muling naisagawa ang ‘Mano Po, Tito Ko activity’ kasama sina Mayor Tito Santiago at Unang Ginang Lumen Santiago na isang taunang programa ngayong kapaskuhan para sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong elementarya. Tampok sa kasiyahan ang iba’t ibang aktibidad kagaya ng pagbibigay ng Christmas treats, mascot play, ‘magician at acrobat presentation’ na labis na ikinatuwa ng mga bata.