MarileNews

Senator JV Ejercito, namahagi ng bags at iba't ibang educational materials.
Date posted: November 28, 2018
Post to feed:
  
 

Namahagi ng mahigit sa 500 bags at story books para sa mga Daycare Centers si Senator JV Ejercito na isinagawa sa Municipal Atrium. Gagamitin ang mga ipinagkaloob na educational materials ng mga Child Development Workers upang mas maging epektibo ang kanilang kapasidad sa pagpapaunlad ng kaisipan ng mga daycare pupils. Katuwang ni Senator JV Ejercito sa pamamahagi sina Mayor Tito Santiago, Vice Mayor Henry Lutao, at bumubuo ng Sangguniang Bayan.