MarileNews

Libreng bakuna at kapon para sa aso't pusa, isinagawa.
Date posted: November 28, 2018
Post to feed:
  
 

Inabot ng halos sa 100 na aso’t pusa ang nabigyan ng libreng kapon at bakuna na idinaos sa National Building ng pamahalaang bayan. Pinangasiwaan ito ng Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Veterinarian Shirley Manluco katuwang ang City Veterinary Office mula Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte. Nagsagawa rin sila ng mga libreng kosultasyon at information dissemination kaugnay sa responsableng pangangalaga ng aso at pusa.