MarileNews

Mga sumailalim sa RIS Technical Training ng DICT, gradweyt na.
Date posted: November 14, 2018
Post to feed:
  
 

Nagsipagtapos na ang 19 na trainees ng ‘rural impact sourcing’ o RIS technical training program na ipinagkaloob ng Department of Information and Communications Technology o DICT sa pamamagitan ng Municipal Information Technology Office na ginanap sa National Building ng Pamahalaang Bayan. Ang mga nagsipagtapos ay sumailalim sa isang buwan na training mula DICT na kinapapalooban ng personal and professional marketing, web development, photography, content writing, search engine optimization, business blogging, at cyber data privacy laws.