MarileNews

Paggunita ng undas, naging mapayapa.
Date posted: November 13, 2018
Post to feed:
  
 

Payapa pa rin sa kabuuan ong paggunita ng undas sa Marilao. Ito ang pagtaya ng Marilao PNP sa kanilang monitoring operation na isinagawa. Ayon kay Marilao PNP Chief Ricardo Pangan, Jr, walang naitalang anumang untoward incident at nanatiling payapa ang lahat ng pampubliko at pribadong libingan kasama dito ang Lias Memorial Park, Divine Garden Memorial Marilao, Sanctuario de Loma, at pampublikong sementeryo sa Poblacion, Abangan Sur, at ang bagong katatayo na Himlayang Marilenyo. Naging katuwang sa maayos na paggunita ang iba’t ibang barangay, Marilao MDRRMC, Marilao Task Force, Bureau of Fire Protection, MSWDO, Municipal Health Office at mga volunteer group.