MarileNews

Mga Batang Marilenyo at kawani ng Pamahalaang Bayan, nakisaya sa Trick or Treat.
Date posted: November 13, 2018
Post to feed:
  
 

Nagdaos ng “Trick or Treat” na aktibidad ang pamahalaang bayan sa pangangasiwa ng Batang Marilenyo Coordinating Center para sa mahigit 400 mga chikiting na karamihan ay anak at pamangkin ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan. Ang aktibidad ay bahagi ng tradisyunal na ‘trick or treat” na kung saan ang mga anak at batang kaanak ng mga kawani ay bumibisita sa bawa’t tanggapan suot ang kanilang ‘halloween inspired’ costume upang tumanggap ng mga candies, cotton candy, balloons, face painting, at larawan muta sa photo booth. Kaugnay nito, tinanghal si Jovelyn Pascual ng MPDO at batang Marilenyo na si Franz Angela Gallardo bilang ‘best dressed’ sa programa at Municipal Civil Registry Office bila ng ‘best designed office.’