MarileNews

Marilao Cooperative Development Office, kinilala sa CDA Region 3 Gawad Parangal 2018.
Date posted: November 19, 2018
Post to feed:
  
 

Nakamit ng Marilao Cooperative Development Office kasama ang Marilao Cooperative Development Council ang parangal bilang Best Performing Cooperative Development Office Municipal Level at Cooperative Development Council sa buong rehiyon na ipinagkaloob ng Cooperative Development Authority at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office sa katatapos na Gawad Galing Kooperatiba 2018 na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium. Ang tropeo at plake ng pagkilala ay tinanggap ni Municipal Cooperative Officer Jon Louie Santiago kasama sina Mayor Tito Santiago, Unang Ginang Lumen Santiago at Coooperatìve Council Chairman Leonida Santos.


Kaugnay nito, tinanggap din ni Municipal Cooperative Officer Jon Louie Santiago ang parangal bilang Natatanging Cooperative Development Officer sa buong Bulacan. Kinilala din ang Divine Mercy Shrine Multipurpose Cooperative bilang isa sa mga natatanging kooperatiba sa lalawigan.