MarileNews

Mga Opisyal ng Manila Bay Clean-up Rehabilitation Preservation Project, bumisita sa Marilao
Date posted: November 06, 2018
Post to feed:
  
 

Bumisita sa tanggapan ni Mayor Tito Santiago ang grupo na kinatawan mula Bureau of Fisheries and Aquatics Resources, Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, at Department of Public Works and Highways ng Region 3 upang magsagawa ng compliance assessment para sa rehabilitation project ng Manila Bay. Inalam ng grupo ang ipinapatupad na programa ng pamahalaang bayan patungkol sa liquid waste management, solid waste management, informal settler families, at information education campaign na bahagi ng inilabas na kautusan ng DILG upang maisakatuparan ang rehabilitasyon ng mga ilog at iba pang ‘waterways’ na konektado palabas ng Manila Bay.