MarileNews

Halos 1 libong Marilenyo, naserbisyuhan ng pinalapit na Mobile Passport Service mula DFA.
Date posted: October 23, 2018
Post to feed:
  
 

Malaking kaginhawaan ang naihatid ng isinagawang Mobile Passporting Service sa may 927 na passport applicants na ginanap sa National Building. Sa halip na mag-biyahe, mamasahe, at gumastos para sa isang maghapon patungo sa tanggapan ng DFA para mag-apply ng passport, ang DFA Office of Consular Affairs sa pangunguna ni Team Leader Jevelynne Alina ang lumapit sa Marilao sa pamamagitan ng pamahalaang bayan. Naging kabahagi ng aktibidad ang Public Employment Service Office at mga BTEC na siyang nanguna sa pamamahala ng programa. Ang mga “approved” at “paid” passport application na isinumite ng aplikante ay nakatakdang makatanggap ng passport sa darating na buwan ng Nobyembre 2018. Ang Mobile Passport Service ay isang taunang proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Marilao na naglalayon na ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan.