MarileNews

Urban Gardening, itinuro sa mga residente at mag-aaral ng dalawang Barangay.
Date posted: October 23, 2018
Post to feed:
  
 

Dinaluhan ito ng 60 mag-aaral ng Prenza National High School at 45 residente ng Loma de Gato sa magkahiwalay na aktibidad. Pinangasiwaan ito ng Municipal Agriculture Office sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture - Region 3. Itinuro sa mga dumalo ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng gulay partikular ang organic farming na kung saan binibigyang-pansin ang paggamit ng organikong pampataba. Isinagawa rin ang pamamahagi ng libreng buto ng iba’t ibang gulay at kagamitan sa pagtatanim sa mga benepisaryo.