Marilao, Bulacan | Municipal Mayor
Municipal Mayor
Juanito H. Santiago | Mayor's Profile


Si Kgg. Juanito "Tito" H. Santiago ay ipinanganak sa bayan ng Marilao noong ika-03 ng Enero, 1954 at nag-aral ng Elementarya sa Marilao Central School taong 1966, High School naman ay sa Meycauayan Institute o mas kilala bilang Meycauyan College taong 1970 at sa University of the East taong 1972 at ang kanyang may bahay na si Gng. Lumen Fong Santiago ay isang registered nurse. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Jio Llyod na nagtapos sa kursong Management sa Far Eastern University at Jon Louie na nagtapos sa kursong Marketing Management sa San Beda College.

Likas sa kanya ang mababang kalooban, madaling lapitan at nagbibigay ng totoong serbisyo sa mga Marilenyo. Marahil ay nakuha niya sa kanyang ama na si Kgg. Mario F. Santiago na mas kilala sa tawag na "Mayor Payat", na natatanging nanungkulan ng halos 20 taon bilang Punong Bayan. Nang si Tito ay na-appoint bilang Konsehal ng Bayan at apat na termino naman bilang Pangalawang Punong Bayan, at natatanging halal na nanungkulan ng 26 na taong sunod-sunod hanggang sa kasalukuyan.

Nang siya ay nagkasakit noong 1994, nagsilbing inspirasyon sa kanya upang pangunahan niya ang pagtatayo ng isang Physical Therapy Center "GILAS SIGLA" para sa mga nagkakaroon ng mga kapansanan, bilang Presiding Officer ng Sangguniang Bayan, pinangunahan niya ang pagbibigay ng ibayong pagsuporta at pinagtibay ang samahan ng Senior Citizens, pinangunahan ang mga ordinansa at kapasiyahang nagsusulong sa mga proyekto at programang pangkabuhayan tulad ng "Tupad", "Linang Kasanayan", "SkillTrep", "WorkTrep" at tinulungan din palaguin ang mga programang pangkooperatiba.

Binibigyan niya ng pagpapahalaga ang abot kayang Edukasyon para sa mga kabataan at kalusugan, kung kaya't kanyang sinuportahan ang pagbibigay ng scholarship para sa Public School Teachers ng Marilao. Sa pagtitiwala ng mga kaibigan ay nagbigay daan sa pagpapagawa ng Pampublikong Kolehiyo ng Marilao (Pambayang Dalubhasaan ng Marilao) pagsuporta sa samahan ng mga Pribadong Paaralan ng Marilao at sa kasalukuyan ang pinag-aaralan ang pagpapatayo ng isang Dialysis Center para sa mga Marilenyo.