Marilao, Bulacan | Barangay Abangan Sur
Abangan Sur
Barangays | Barangay Abangan Sur
Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, ang lugar na ito ay magubat, madawag at masukal. Bihira ang mga taga-ibang lugar na pumunta rito. Kinatatakutan at inaayawan ng mga dayuhan ang pumunta at magawi sa lugar na ito. Sa panahon ng labanang Pilipino-Kastila, napili ng mga maghihimagsik ang lugar na ito bilang kanilang kuta at taguan. Nang makarating sa mga Kastila ang balita na ginagawang taguan ng mga Pilipino ang lugar na ito ay dali-dali itong pinuntahan. Hindi nagtagumpay ang mga Kastila sa pagpasok sa naturang lugar sapagkat sa bukana palang nito ay inaabangan na sila ng mga katipunero. Ito rin ang naging lugar na ginawang abangan ng Katipunero s amga dumarating na Kastila noong namamayani pa si Gregorio Del Pilar. Magmula noon ang lugar na ito ay tinawag na ABANGAN ng mga tao.

Lumipas ang maraming taon at ganap nang isang nayon ang Abangan. Tinitirhan ng maraming tao at pinamumunuan ng isang Tinyente del Baryo. Sa panahon ng panunungkulan ni Alkalde Miguel Villarica, ang nayon ng Abangan ay hinati sa dalawa, ang unang bahagi ay tinawag na Hilagang Abangan (ABANGAN NORTE) at ang isa naman ay Timog Abangan (ABANGAN SUR). Walang malinaw na kasulatan o dokumento kung bakit hinati sa dalawa ang lugar na ito maliban sa isang dahilan, ang pagdami ng mga naninirahan dito.


Barangay Profile
Barangay Chairman : Romell C. Pabale
Barangay Councilors : 1. Andreia Coulyn T. Sayo
2. Winthrop D. Pantaleon
3. Jose Marciso A. Yanga
4. Quirino G. Fernando
5. Marcelo V. Avena
6. Mark L. San Jose
7. Pacifico A. Nieva II
Barangay Treasurer : Randy S. Salazar
Barangay Secretary : Prencessita R. Dela Rosa
Contact No. : 248-86-15
Email Address : abangansurmahalkita@gmail.com
Barangay Address : Alejandra Subdivision, Abangan Sur, Marilao, Bulacan