Marilao, Bulacan | Barangay Sta. Rosa I
Sta. Rosa I
Barangays | Barangay Sta. Rosa I
Ang nayon ng Sata. Rosa ay unang nakilala dito, madali itong pinamugaran ng mga tulisan. Ayon sa kuwento, isang gabi ang pangkat ng tulisan ay naghukay ay hindi naaagnas. Sa takot ng mga tulisan, dali-dali sila tumalis ng takbo at hindi na muling nagbalik. Kinabukasan, ang bangkay ay nakita ng mga naninirahan doon, at labis silang namangha dahil ang bangkay na kanilang nakita ay labi ni Rosa na isang dalaga na matagal na panahon ng namatay. Tulad ng mga tulisan sila'y namangha rin dahil sa hindi nagbago ang anyo ng dalaga. Ang balitang iyon ay medaling kumalat sa kanayuianan. Sinasabi pa na ang sinong humaplos doon na may karamdaman ay medaling maiibsan ang kanilang karamdaman . Magmula noon ang bangkay ni Rosa ay tinawag nang Santa. Kapag may mga tao na nagpupunta sa lugar na iyon, ang kanilang sinasabi ay dadalaw kmi kay Rosa, ang Santa. Sa paglipas ng panahon, ang pook na iyon ay tinawag na Nayon ni Santa Rosa, ang Santa. Sa paglipas ng panahon, ang pook na iyon ay tinawag na Nayon ni Santa Rosa at kalaunan ay tinawag na Santa Rosa.

KWENTO KUNG BAKIT NAGKAROON NG DALAWANG SANTA ROSA, ANG SANTA ROSA UNO AT SANTA ROSA DOS
Sa paglipas ng panahon, nagging maunlad ang pook na iyon at sa tuwing dumarating ang araw ng pista ay hindi magkamayaw ang mga tao sa kanilang paghahanap . Sa tuwing sasapit ang pista, puro marangyang handaan ang iyong makikita. Bawat tahanan ay bukas sa lahat ng gusting kumain. Minsan, isang araw ng pista, dahilan sa malawak na sinasakupan ng pook na iyon, hindi malaman ng mga tao kung sino sa kanila ang magahahanda at mag aalay sa simbahan. Mula noon, ang pook na iyon ay nakilala sa dalawang pangalan, ang Santa Rosa 1 at Santa Rosa 2.

MGA PISTA/ SELEBRASYON AT PETSA
Ang Sta. Rosa de Lima, ang dating patron saint ng Sta. Rosa 1 Chapel, ay ginugunita tuwing ika-27 ng Hunyo. Ngunit dati, nakaugalian nang isabay ang pagdiriwang ng kapistahan kung sumasapit ang 3 kings tuwing ika-6 ng Enero, na mismong paggunita ng kapaskuhan sa ilang kanayunan, gaya ng Sta. Rosa 1. Ang Parokya naman ng National Shrine of the Divine Mercy na matatagpuan din sa Sta. Rosa 1. ay ginugunita ang kanilang kapistahan one (1) week after the Lenten Season or next Sunday after the Easter Sunday.


Barangay Profile
Punong Barangay : Kenneth Raymundo Delos Reyes
Kagawad, Sangguniang Barangay : Rowie Villamar Calara,
Benigno Dela Cruz Villaruel
Maila Nieto Baritua
Arlando Lomboy Santos
Alfredo Geronimo Tizon
Elizabeth Ortega Concepcion
Simfroso Benedicto San Juan
Chairman, SK : Christine De Jesus Concepcion
Member, SK : Avierose Borja Raymundo
Diane Asanza David
John Anton Yutan Zapanta
Diana Rose Nesperos Abitona
Charlotte Mae Borja Go
Chris Jerry Raymundo Victoriano
Ma. Darelle Conda Razon
Barangay Treasurer : -
Barangay Secretary : -
Contact No. : -
Barangay Address : Sta. Rosa I, Marilao, Bulacan