Marilao, Bulacan | Barangay Lias
Lias
Barangays | Barangay Lias
Ayon sa naunang kasaysayan ang LIAS ay nanggaling sa ilang vsalaysay.

Una, ayon sa iba ito ay hinango sa salitang "HIYAS" o mamahaling bato, Anila, maraming mamiminang hiyas sa lugar na ito noong panahong iyon.

Ikalawa, sangayon naman sa iba ito ay hinango sa salitang "LAYAS na ang ibig sabihin ay malimit maghanap ng ibang pagkakakitaan.

Ikatlo't panghuli ay sa salitang "LIGAS" na kung saan maituturing na may malaking kaugnayan dahil noong panahong iyon ang lugar na ito ay napapalibutan ang bukirin at kagubatan na kung saan maraming halamang ligaw ang tumutubo tulad ng "LIGAS" na napapabilang sa uri ng mabulong halaman at ang bunga nito ay hugis bataw na mabulo o puno ng bulo ang bunga.

Ang LIAS ay may ilang naunang mga purok tulad ng mga sumusunod:
Sitio Bubuyog. Matatagpuan sa hilagang bahagi ng Lias kung saan ang angkan ng dating Punong Barangay ng dating Punong BArangay Diosdado Landicho ay namamahay. Ito aya may maikling kagubatan at malawak na kabukiran. Sa kasalukuyan ay kinatatayuan ng St. Michael at Meralco Village at may daang patungo sa Barangay Ibayo Daang Gipit. Matatagpuan malapit sa gitnang bahagi ng LIAS, may habang 200 metro ang lapad. Ito rin ay magubat na lugar at halos walnag sasakyan makaraan kundi karetela. Sa gabi naman ay walang nangangahas ng dumaan rito dahil ayon sa kwento ang lugar na ito lay pinamumugaranng mga masasasamang espiritu o malign. Ang kahabaan ng daang gubat ay napapaligiran ng mga nagtataasan atr masinsing kawayan kung saan sa kalaliman ng gabi ay yumuyuko na halos nakasayad na sa lupa. Ito ay kilala sa kasalukuyang l.De Veera o Gipigt, kung saan matatagpuan ang kilalang Villa Filomena Resort at linalakihang kasalukuyan LLN Marie delos Reyes.
Kabatuhan. MAlayong bahagi ng Lias kung saan dito matatagpuan ang na unang palaruan at ilang pulutong ng kabahayan. Ang lugar ba ito ay hindi nagiging maputik dahil sa malawak na mabtong bahagi ng lugar kaya't nakilala sa tawag ng kabatuhan. Sa kasalukuyan dito matatagpuan ang paaralang pambarangay, palaruan at bahagi ng gusali sa Penzon Handicraft.

Sa LIAS din matatagpuan ang di-pangkaraniwang BAlong Pare at Tapak ni Bernardo Carpio.
Balong Pare. Malalim na kwadradong balong na hukay sa mabatong lugar na pinanggagalingan ng tubig gamit ng mga naninirahan dito noong unang panahon. Sa kasalukuyan ito ay matatagpuan sa gitnang bukid sa malayong bahagi ng harapan ng pamahalaang gusali ng barangay.
Tapak ni Bernardo Carpio. Hugis kanang higanteng paa na nakaukit sa buhay na bato na kung saan dinadaluyan ng malinis na tubig at nagsisilbing lugar labahan at paliguan noong araw. Sa kasalukuyan ito'y matatagpuan sa gitnang bahagi ng bukid na sa ngayon ay ginagawang isang isklusibongsubdivision ng JP Realty Corpoiration.

Ang LIAs ay matatagpuan sa pagitan ng Barangay Saog at Barangay Lambakin. Ito'y may pitong (7) purok sa kasalukuyan at may sukat na 91.84 hektarya.

Sa kasalukuyan ay may naitalang 12,373 bilang ng populasyon, 6,170 kabuoang bilang ng lalaki at 6,203 naman na babae at may 2,911 na bilang ng sambahayan. Karaniwang yari ng kabahayan ay kungkreto at semi-kungkreto at ang malaking bahagdan ng pinagkukunan ng inuming tubig ay galling sa MARWADIs (Marilao Water District) na may 97.5% at 12.5% namn sa Deep Well. Karaniwang bilang ng miyembro ng pamilya ay 2 hanggang 4 sa bawat pamilya. Ang naitalang pangunahing pinagkukunan ng pinagkikitaan ay pamamasada ng tricycle at jeep, kasunod ang laborer, pag-uumpisa, OFW, call center agents. trabahong may kinalaman sa paggawa ng alahas at pagluluto't pagtitinda ng ulam at kakanin. Pangunahing gamit ng uri ng sasakyan ay tricycle at jeep at may 99% na naitalang may maayos na palikuran.


Barangay Profile
Punong Barangay : Ronaldo Espiritu Marcelo
Kagawad, Sangguniang Barangay : Vandolf Vicente Mateo
Chony Garcia Rivera
Albert Jacinto Castro
Renz Marion Fernandez Silvestre
Maria Quintanilla Delos Reyes
Esmeraldo Parulan Flores
Nolando Benedicto Gonzales
Chairman, SK : Jomar San Pedro Abejar
Member, SK : Jenny Marie Rivera Sandagon
Irene Raymundo Roa
Jocel Anne Ona Pangilinan
Catherine Joy Sadang Caoile
Erika Mae Rodriguez
Jerome Marquez Lugto
Jamm Cris Gaspi Flores
Barangay Treasurer : -
Barangay Secretary : -
Contact No. : (044) 238-5427 / 0923-366-9449
Email Address : Pamahalaangbarangaynglias@ymail.com
Barangay Address : Barangay Lias, Marilao, Bulacan