Marilao, Bulacan | Barangay Ibayo
Ibayo
Barangays | Barangay Ibayo
Noong unang panahon, ang Barangay IBAYO ay tinatawag ng mga nakatira rito na Barrio Kaliwa. Ito ay mayroong mga sitios; SITIO BUBUYOG (na ngayon ay St. Martin Subd., SITIO PANSOL (na ngayon ay De Castro Subd.), at SITIO SAOG (na ngayon ay Barangay Saog ng Bayan ng Marilao).

Noong panahon ng mga Kastila, ang Barrio Kaliwa ay nasasakop pa ng Barangay Lias at naging isang malayang baryo lamang bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941. Ito ay dahil sa isang ordinansang inaprubahan ng mga opisyales ng Bayan ng Marilao noong mga panahong iyon. Hanggang ang Barrio Kaliwa ay naging Barrio Ibayo dahil na rin sa mga tao na kapag nagtatanong ng "Saan ka pupunta?" at sasagutin naman ng "Sa kabilang ilog o sa kabilang ibayong ilog.", kung kaya't ang salitang Ibayo ay naging palasak ng gaya ng tawag ngayon sa barangay.

Taong 1950, ang Barangay IBAYO ay 90 porsiyentong lupang sakahan, kakaunti ang mga bahay, maraming mga puno, damo at tubigan ditto. Katunayan, ang lupang kinatatayuan ng Pamahalaang Barangay at chapel sa ngayon ay dating lubluban ng kalabaw.

Noong mga panahong iyon, ang mga lider ng baryo ay binoboto lamang sa pamamagitan ng taasan ng kamay hindi gaya ngayon na nagkakaroon tayo ng eleksiyon. Ang unang namuno sa Barangay Ibayo ay si Lucio "alyas Hari" ng Sitio Bubuyog ng Barrio Kaliwa mula 1949 hanggang 1952 at tinawag siyang "Cabeza de Barangay". Sinundan ni Fernando Victoriano mula 1952 hanggang 1955 bilang "Tiniente del Barrio", sinundan ni Hilario Angeles mula 1955 hanggang 1956. Sina Mariano Castro, 1957-1959; Demetrio Cruz, 1959-1963; Lino Cruz mula 1967-1971; Faustino Jose mula 1971 hanggang 1979 bilang mga Barrio Captain. At mga nagging kapitan ng barangay sina Socorro Jose mula 1979 hanggang 1982; Benito Dy mula 1982 hanggang 1989; Flaviano Dazo Jr. mula 1989 hanggang 1994; Engr. Edgardo R. San Jose mula 1994 hanggang 2007; Evelyn T. Agno mula 2007 hanggang 2013; at sa kasalukuyan ay si Joey P. Amador, na nanalo noong halalan ng 2013 at nakapagtala sa kasaysayan ng barangay bilang kauna-unahang partidong nanalo sa halalan ng "straight vote" mula Punong Barangay hanggang sa pitong Kagawad.

Ang sabi ng iba, karamihan sa mga residente ng Barangay Ibayo ay galing sa Visaya, Mindanao, Bicol, Ilocos, Pampanga at Batangas na dumayo sa lugar at piniling doon na rin permanenteng manirahan para subuikan ang kanilang kapalaran.


Barangay Profile
Barangay Chairman : Joel P. Amador
Barangay Councilors : 1. Marissa G. Meneses
2. Manuel G. Victoriano
3. Alexander G. Navarro
4. Bernie OR. Gatchalian
5. Jeffrey J. Reyes
6. Kevin Allen D. Victoriano
7. Diosdado C. Robles
Barangay Treasurer : Jay Edsel I. San Jose
Barangay Secretary : Ariel M. Cruz
Contact No. : 711-0493-2282928
Email Address : ibayobarangay@yahoo.com.ph / barangay_ibayo@yahoo.com.ph
Barangay Address : Brgy. Hall Ibayo, Marilao, Bulacan