Marilao, Bulacan | Barangay Loma de Gato
Loma de Gato
Barangays | Barangay Loma de Gato
Liblib, bangin-bangin at masukal ang matandang lugar ng LOMA DE GATO. Sa pook na pinamagatang Marilao-Novaliches Complex, natagpuan ang isang daras na tinagurian ni Dr. H. Otley Beyer na "Luzon Adze". Ayon kay Fr. Francis Lynch, Jesuita, ang ganiton uri ng kasangkapan ay naglayag sa New Zealand sa Taiwan at nagdaan sa Pilipinas na walang nagbabago.

Mga Austronesyano, sa palagay ni Peter Bellwood ng Australia National University, ay nagmula sa Timog Tsina nagdaan sa Taiwan at tumuloy sa Pilipinas noong 4000 BC at ang taglay nila: Daras at Palay (Oryza Sativa). May patunay din na ang Loma De Gato ay tinitirahan ng mga Tagalog ng panahon na ang maliit na kampit at lanseta ay pinapanday sa minahan ng bakat sa Angat, Bulakan. Nangyari ito daan-daang taon pa bago lumunsad ang mga kastila sa Ilog Meykawayan.

Nang dumating ang mga Misyonerong Franciscano sa Meykawayan na siyang pinakapuso ng Lalawigan noong 1578, isa sa mga nayon dito ang LOMA DE GATO na noon ay may kaunting Agrikultura ng Palay, dahil sa ang mga gulod at libis nito ay nababalot ng dalawang talahib (Saccharum Spontaneum). Kinukutya ito ng mga makakating dila na: Lupang Tumatahip, na ang ibig sabihin dito ay magulo at maranming magnanakaw.

Sa pag-uasd ng panahon, ayon na rin sa patunay ng matandang mapa ng Bulakan na iginuhit ng Felix Eulogio Diaz bago 1800, ang baying Meykawayan ay unti-unting nahati sa Bocaue (1606. San Jose Del Monte (1751), Santa Maria de Pandi (1793) at Marilao (1796). Nanatiling waring sinsel na napasingit sa apat na bayan ang LOMA DE GATO. Sakop nito ang Pasong matanda sa Pajo, Polangi, Lugar de San Francisco Clemente at ang Sapang Kamanse. Ngunit hiwalay rito ang Estero de Tubtob. Sa Timog-Silangan hanggang Loma de Gato ang Casa del Padre Agustino na ng Lumaon ay nagging Bahay-pare nayon ng Meykawayan sa hilaga at kanluran. katabi nito ang Monte Halang, ngayon ay San Vicente nayon ng Sta.Maria at sa ibababa ay inipit ito ng Prenza, Marilao. Sa silangan naman ang San Jose del Monte na maraming alibangbang at kugon (Impreta Cylindrica.
Ang LOMA DE GATO, ay sakop ng hacienda de Lolomboy. Ang nayong ito ay may sukat na604 Hektarya ng lupa (790,40 kabuuang sukat taong 2011). Sa literal na pakahulugan ang LOMA DE GATO ay gulod ng Pusa. Dahil sa pagtutol ng mga magsasakang Taga-Bocaue at Marilao noong 1745-1760 ang salitang "GATO" ay nagkukulay. Ayon sa mga "Inquilinong" Tagalog walang titulo ang mga prayleng kastila kundi nilubid na buhangin. Sagot ng mga pryleng Dominicano dumarami raw ang bilang ng mga tulisan. Wika ng Iskolar na si Jaime Veneracion "Ang pagdami ng mga tulisan ay ipinapahiwatig ng mga pangalang lugar ng LOMA DE GATO sa Marilao. Ang literal na ibig sabihin nito ay "GULOD NG PUSA" ngunit sa panahong ito, ang "GATO" sa maga kastila ay katumbas ng "Masasamang Loob".


Barangay Profile
Barangay Chairman : Ma. Lourdes I. San Andres
Barangay Councilors : 1. Jayson J. dela Cruz
2. Vanessa DC. Valdez
3. Rufino P. Concepcion
4. Joselito R. Zamora
5. Manuel C. Santiago
6. Melandro F. Espiritu
7. Susan R. Brito
Barangay Treasurer : Josephine B. Aranas
Barangay Secretary : Victor L. Ricafort
Contact No. : (004) 815-7044
Email Address : brgylomadegato.com.ph
Barangay Address : United, Loma de Gato, Marilo, Bulacan