Marilao, Bulacan | Barangay Sta. Rosa II
Sta. Rosa II
Barangays | Barangay Sta. Rosa II
Maikling Kasaysayan
Ang nayon ng Sta. Rosa ay unang nakilala sa tawag na Malapad na Bato at dahil sa bahagya pa lamang ang naninirahan dito, madali itong pinagmugaran ng mga tulisan. Ayon sa kwento, isang gabi nang ang pangkat ng tulisan ay naghukay sa lugar na ito upang kunin ang ibinaon nilang kayamanan. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, isang bangkay ng napakagandang babae ang tumambad sa kanilang harapan. Labis ang kanilang pagkamangha dahil ang bangkay na kanilang nahukay ay hindi naaagnas. Sa takot ng mga tulisan, dali-dali silang tumalilis ng takbo at hindi na muling nagbalik. Kinabukasan nakita ito ng mga naninirahan doon at labis silang namangha dahil sa ang bangkay na kanilang nakita ay ang labi ni Rosa na isang dalaga na matagal ng panahon na namatay. Tulad ng mga tulisan, sila'y namangha rin dahil sa hindi nagbabago ang anyo ng dalaga. Ang balitang iyon ay madaling kumalat sa kanayunan. Sinasabi pa na ang sinumang humaplos doon na may karamdaman. Magmula noon ang bangkay ni Rosa ay tinawag nang Santa. Kapag may mga tao na pupunta sa lugar na iyon, ang kanilang sinasabi ay dadalaw kami kay Rosa, ang Santa. Sa Paglipas ng panahon ang pook na iyon ay tinawag sa Nayon ni Santa Rosa at kalaunan ay tinawag na Santa Rosa.

Kwento Tungkol Bakit Nagkaroon ng Dalawang Santa Rosa,
Ang Uno at Dos
Sa paglipas ng panahon, nagging maunlad ang pook na iyon at sa tuwing darating ang araw ng pista ay hindi magkamayaw ang mga tao sa kanilang paghahanda. Sa tuwing sasapit ang pista, puro maranyang handaan ang inyong makikita.Bawat tahanan ay bukas sa lahat ng gusting kumain. Minsan, isang araw ng pista, dahilan sa malawak na nasasakupan ng pook na iyon, hindi malaman ng mga tao kung sino sa kanila ang maghahanda at mag-aalay sa simbahan. Dahilan sa hindi magkasundo ang mga taga-loob at taga-labas ng Santo Rosa, napagkayarian na hatiin sa dalawa ang pook na iyon nang sa gayon ay lalong matutukan ang paghahanda at pag-aalay sa simbahan. Mula noon ang pook na iyon ay nakilala na sa dalawang pangalan. Ang Santa Rosa Iat ang Santa Rosa II.


Barangay Profile
Barangay Chairman : Joselito A. Ventura
Barangay Councilors : 1. Leo J. De Jesus
2. Gerry D.C. Atienza Jr.
3. Rogelio R. Ramos
4. Crisanto F. Delos Reyes
5. Elena A. Juan
6. Juanito E. Lomboy
7. Josefina L. Dela Cruz
Barangay Treasurer : Edgardo V. Guillermo
Barangay Secretary : Crispina D. Estero
Contact No. : (044)248-78-18
Email Address : phinaestero@yahoo.com.ph
Barangay Address : #268 Brgy. Hall, Sta. Rosa 2, Marilao, Bulacan